MAY NAITATABI KA BA SA SUWELDO MO?

Suweldo nanaman! Parang trip ko bumili ng pantalon ah! Makadaan nga mamaya sa mall. May naitatabi pa ba ako? Para sa pasahe, pagkain, sa tubig, sa ilaw, sa internet, sa pamilya, kay mahal. Hala ka! Ubos nanaman! Paano ko ba mababudget ng maayos to! Palagi na lang ganito ah! 


Kailangan ko na ba mag extra income? Ano naman kaya? Hirap talaga pag ganito. Saktuhan lang yung kinikita. Teka! Ano ba kase mga pinagkakagastusan ko?

Pag breaktime! kape. Sa lunch fastfood! Breaktime ulit! Meryenda tapos kape ulit. Tapos may nagpalibre pa! Tapos andami kong gadgets hindi ko naman lahat napakikinabangan.


Mukang ito yung mga dahilan. Mag start na kaya ako sa ipon challenge na yan. Maichallenge ko man lang sarili ko! Kaya ko kaya?! O kalokohan lang ito. Wala namang masama kung susubukan! Try ko na din!


Ikaw? Gusto mo bang itry?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *