MAY KUMIKITA BA SA PAGLALARO LANG NG GAMES ONLINE?

Marahil napapansin mo sa newsfeed mo ang ilan sa mga kabataan ngayon na naglalaro ng live at nagbibigay pa ng giveaways upang tayo’y makinood at makitambay sa kanila. 

Sadyang makabago at napakabilis na nga ng takbo ng henerasyon ngayon. Ang tanong! ano bang ginagawa ng mga kabataan natin ngayon? Bakit naglalaro na lamang sila? Kumikita ba sila dyan? Bakit sobrang pinaglalaanan nila ito ng oras?

Sa maniwala man kayo o hindi. Ang dating libangan lamang ng mga kabataan noon ay napagkakakitaan na ngayon. Tama kayo! Kumikita ang mga kabataang naglalaro online ngayon. Dahil ang online games ngayon ay masasabing parte na ng “Kumikitang Kabuhayan.”

Nakakabigla po di ba! San ka nakakita na ang paglalaro ay pinagkakakitaan na pala. Ang isang napakalaking tanong sa mga magulang natin ngayon! Pagbabawalan mo pa ba ang iyong anak gayung may kita na pala sa paglalaro lamang ng games online? Ang laking hamon ito para sa kanila. 

Paano nga ba sila kumikita sa paglalaro online?

Live Stream – ang target dito ay makapag build ng maraming audience at dahil dito ay maaaring ma monetize ang mga ads. Ang iba ay nakakapagbuild ng mga loyal fans at dahil dito nakakapag monetize sila via donations at subscriptions. 

Ang mga malalaking platform dito ay ang Twitch, Youtube Gaming at Facebook Gaming na kung saan kapag ka natuwa sayo ang mga nanonood ay maaari silang makapagbigay ng stars na macoconvert ng streamer sa cash.

Paalala lamang na dapat nasa wastong edad ka na at paalala din na di porket napagkakakitaan na ang paglalaro ay isasantabi mo na lamang iyong pagaaral. Mas mainam pa rin na ika’y may sapat na kaalaman para sa lahat ng bagay bagay. Hindi pa rin matatawaran ang mayroong kaalaman at yan ay lagi mong pakatandaan.

Kung ika’y estudyante na gustong magkaroon ng extrang income at binabalak mong pasukin ang mundo ng online games. Matuto ka lamang budgetin ang oras na mayroon ka. Maging responsable sa mga hakbang na iyong gagawin upang sa huli ay hindi mo ito pagsisisihan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *